Makalipas ang mahigitdalawang pagkakakulong ng mga kabataang mag-aaral sa kani-kanilang mga tahanan dulot ng patuloy na paglaganap na pandemyang ito, patuloy pa rin ang pagsasagawa ng balik-eskwela sa ating paaralan na Parañaque National High School-Baclaran
Sa ganap ng ala-sais ng umaga ng Agosto 22 taong 2022, ang lahat ng mag-aaral ay nagtipon sa labas ng Parañaque National High School – Baclaran. Dahil sa dagsa ang mga mag-aaral na pumasok, binuksan ang iba’t-ibang “entry points” sa bawat bahagi ng paaralan upang maiwasan ang pagkakadikit-dikit ng mga mag-aaral.
Naghanda ang pamunuan ng paaralan ng mga “thermal scanner” upang maantabayanan ang mga papasok na nakararamdam ng lagnat o iba pang mga sintomas. Naglagay rin ng mga “alcohol dispenser” sa bawat sulok ng paaralan kung sakaling may nais gumamit ng mga ito.
Sa pagbabalik ng mga mag-aaral, nagsagawa rin ang Parañaque National High School – Baclaran ng oryentasyon kung saan pinakilala ang iba’t-ibang departamento ng ating mga butihing guro pati na rin ang mga “non teaching personnel’ ng paaralan. Nag-imbita rin sila ng mga panauhin tulad ni Kapitan Jun Zaide na siyang lumibot sa bawat silid-aralan upang magbigay ng mensahe.
Ang unang araw ng pagbabalik sa klase ay naging matiwasay. Lubos na ginabayan ng pamunuan ng PNHS-Baclaran ang mga mag-aaral upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa ngayong nagsimula na ang balik-eskwela ngayong sa panuruang 2022-2023.


Mga larawang kuha nina: Ahra Francesca Atizado at Jay Peeanna Jose