Isinagawa sa pamamahala ng Technical Quality Assurance Group ang pagkonsulta sa bawat Android na telepono at tablet na ipahihiram sa mga estudyante.
Ginanap ito noong ika-24 ng Mayo,2021 sa ganap na ika-siyam ng umaga alinsunod sa utos ng punong-guro na si G. Gerry Catchillar.
Hinati ang Technical Quality Assurance Group sa limang pangkat upang mas mapabilis ang pagtingin sa mga ito. Ang unang pangkat ay tumingin sa 90 Android na telepono at 28 na tablets samantala ang apat na pangkat ay nangasiwa sa tig-118 na mga tablets.
Pinamahalaan ni Ginang Gina Sabariaga ang pangangasiwa sa limang pangkat. Bawat pangkat ay may tungkuling alamin ang kondisyon ng bawat gadgets at siguraduhing magagamit ito ng mga estudyanteng pahihiramin. Matapos konsultahin ay nilagyan na ng mga stickers ang mga ito upang mabilang muli pag-ibinalik na ng mga estudyante.
Nakatakdang ipamahagi ang mga Android na telepono at tablets sa ika-27 ng Mayo, 2021.
Sa pagsasagawa ng kaganapan na ito ay hindi kinalimutan ang pagsunod sa mga “health protocols”. Ang pagkakaroon ng “Social Distancing” at pagsusuot ng mga “face masks” at “face shields” ay nasunod.