Nung nakaraang Ika-6 ng Setyembre 2023, ay nakilahok ang mga mag-aaral, guro, maging ang mga non-teaching personnel ng ParaƱaque National High School – Baclaran sa 3rd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED). Ginanap ito nung 11:00 ng umaga bilang paghahanda sa panganib na maidudulot ng hindi inaasahang lindol.
Pinangunahan ang Earthquake Drill sa pamamagitan ng pagtunog ng alarma upang magbigay hudyat ang paaralan sa bawat mag-aaral sa kani-kanilang silid na isagawa ang Duck, Cover, and Hold. Mahigpit na pinayuhan ni G. Cypruss P. Beo, guro mula sa departamento ng siyensiya, na nararapat lahat ng mga mag-aaral ay maging kalmado, huwag magtulakan, at protektahan ang kanilang batok at ulo habang nakakubli sa ilalim ng lamesa. At lumabas lamang ng kanilang silid-aralan kapag tumigil na ang pag yanig upang maisalba ang kanilang buhay sa panahon na magkakaroon talaga ng lindol.
Sa tulong ng mahigpit na pagpatnubay ng ibang mga guro at pakipagbabahagi ng Supreme Secondary Local Government (SSLG) ng paaralan, ang naisagawang Earthquake drill ay naging matagumpay sapagkat napanatili nang maayos ang paglikas ng mga mag-aaral mula sa MELO CELO A building maging ang iba na nanatili sa kanilang mga silid na ito namang makatutulong sa pagsigurado ng kaligtasan ng lahat. Buong puso naman na ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang partisipasyon at bumalik sa kanilang mga silid-aralan nang matapos ang nasabing Earthquake drill upang ipagpatuloy ang kanilang mga klase.