Ang programang libreng gupit para sa mga mag-aaral na kalalakihan sa ating paaralang Paranaque National High School-Baclaran ay naisagawa makaraan ang ilang taon. Ito ay inilunsad ng PNHS-Baclaran Supreme Secondary Learner Government (SSLG) sa pakikipagtulungan sa Tau Gamma Sigma-Baclaran Mabuhay Chapter at Street Barbering noong biyernes ika-8 ng Septyembre, 2023. Ang libreng gupit ay ginanap sa R1 Rodriguez building at nag-simulang isagawa no’ng 11:30 ng umaga na pinatnubayan ng mga opisyales ng SSLG. Maraming mga mag-aaral na lalaki ang nag-palista upang makalahok sa programang ito.

Tatlumpong minuto bago mag-uwian ay makikitang nakapila ang mga lalaking mag-aaral na lumahok sa proyektong libreng gupit na inihain para sila’y makapag-pagupit nang naayon sa isang estudyante. Naging maayos naman ang daloy nito sa tulong at gabay ng ating Supreme Secondary Learner Government (SSLG).

Sa ating paaralan ay may mga polisiyang sinusunod at dapat tandaan, isa na rito ay ang polisiya sa buhok na kung saan ang sa babae ay kailangan na naka-pusod at sa lalaki naman ay kinakailangan mag-pagupit nang naayon sa itinakdang polisiya, tuwing unang lunes ng bawat buwan. Kaya’t nakatulong ang programang ito upang mabawasan ang gastusin at mas napadali ang kanilang pagpapagupit dahil ito ay sa loob lamang ng ating ginagalang na paaralan ginanap.