Nagbunga ng tagumpay ang paghihirap ng ating mga guro, mga magulang at mag-aaral sa isinagawang Brigada Pagbasa. Ang ParaƱaque National High School – Baclaran ay tumanggap ng paranggal para sa ikatlong pwesto sa Filipino Category ng Division Brigada Pagbasa Best Implementers.
Naganap ang paggawad ng parangal sa ParaƱaque National High School – Main, noong ika-anim ng Hulyo 2022. Nang matapos ang opening ceremony, sinimulan ng bigyan ng parangal ang mga nanalo sa English at Filipino Category sa mga paaralan ng district 1-10. Ang award ng ating paaralan ay tinanggap ng ating Punong Guro na si Ginoong Gerry C. Catchillar kasama ang Head Teacher sa Filipino na si Bb. Cristina S. Galacgac at ang Focal Persons ng Brigada Eskwela at Brigada Pagbasa, na sina Bb. Karla Paula Katigbak at Bb. Moneth S. Macarilay.
Ang Brigada Eskwela Pagbasa sa Panahon ng Pandemya ay naging proyekto simula Setyembre 14, 2021 – Setyembre 20, 2021. Ito ay naglalayon na matulungan ang mga mag-aaral na maging mahusay sa pagbabasa nang may pag-unawa at mabigyan ng pagkakataon na makiisa ang mga magulang, guro, pribadong empleyado at iba pa na matulungan ang mga mag-aaral sa pagbabasa sa kabila ng pandemya.