Ipinagkaloob na sa mga mag-aaral ng ikapitong baitang ang kanilang mga atm cards kung saan nila makukuha ang kanilang “allowance” mula sa lokal na gobyerno ng Parañaque.
Ang mga atm cards ay para lamang sa mga estudyanteng residente ng Parañaque.
Kinuha ang mga atm cards na ito ng mga magulang o mga taga-gabay ng mga estudyante upang hindi na lumabas pa ang mga bata sa loob ng kanilang mga tahanan.
Ginanap ito noong ika-sampo ng hunyo, 2021 sa loob ng paaralan ng PNHS-Baclaran.
Ang pagsunod sa mga nakatakdang “health protocols” ay mahigpit na sinubaybayan sa naganap na pamimigay ng atm cards. Ang mga temperatura ng mga pumasok na magulang sa loob ng paaralan ay sinukat at siniguradong hindi sila lalagpas sa normal na temperatura.